Mga karanasan sa Negosyo
Humigit isang daan at apatnapung taon na ang karanasan ng Bromberg, Staudt & Co. sa pagnenegosyo.
Ang Bromberg,Staudt & Co. ay isang matatag na negosyo ng pamilya. Ayon sa pagsisiyasat ito ay umabot na ng 154 taon sa kasaysayan ng pagnenegosyo. Ang masusing bersyon na may kalakip na larawan ay makikita rito mula sa aming artsibo.

1863: Ang dalawampu’t –anim na taong gulang na si Martin Bromberg ang siyang namamahala sa matatag na kalakalang terkniko sa kompanyang “Holzweissig&Co. na itinatag sa Porto Alegre, Brazil noong 1845 at pinalitan ng pangalang Bromberg & Co..
1870: Ang grupo ng kompanya ay umabot na sa apat na sangay ng opisina at pamumuhunan. Ang kasosyong si Jacob Rech ay nagbukas ng sangay pangkalakalan sa Hamburg para sa pagkuha ng mga produkto sa Europa para matulungan ang mga nasa kabilang ibayo ng dagat
1883: Ang kompanya ay sumasaklaw sa 9 na sangay . Karagdagang mga negosyo para sa pangangalakal ng asero, mga iba’t-ibang kasangkapan, at mga kagamitang marino o kagamitang pangdagat.
Si Martin Bromberg ay tumanggap ng parangal sa emperor ng Brazil na si Emperor D.Pedro ng titulong “ The Brazilian Order of the Rose” para sa kanyang pagsisikap sa pagtatatag ng kolonya alang-alang sa mga mandarayuhang German sa estado ng Rio Grande.
1887: Sa pagkamatay ni Jacob Rech tanging si Martin Bromberg ang siyang nagging may-ari ng matatag na Hamburg.
1892: Binuksan ng Bromberg ,Staudt & Co. ang pinakamalaking tindahan ng gamit pambahay at produktong panlinis sa Brazil.
1902: Samantala, ang matatag na kalakalan ng Bromberg, Staudt & Co. ay binubuo ng ng isang daan at limampu’t-tatlong empleyado. Ang mga industriyang kompanya ng Germany ay esklusibong pinakilala o kinatawan ng Bromberg & Co. sa Brazil.
1913: Ipinagdiwang ni Martin Bromberg ang kanyang ika-50 na anibersaryo sa kompanya.
Ang kompanya ay binubuo ng tatlumpong pamilihan , kung saan dalawampu’t- pito rito ay matatagpuan sa Brazil, at tatlo sa Argentina. Ang Bromberg & Co. ay isa sa pinalamalaking kompanya na nagluluwas ng mga produkto sa Hamburg at ito rin ang pangunahing pamilihan ng teknolohikong esportasyon sa Brazil at Argentina.
Nabuhay at umiral ang permanenteng relasyon ng negosyo sa bansang Peru at Pilipinas gayundin ang ibang bansa sa Latin-America at Silangang asya.
Ang mga sangay ng kompanya ay nagbigay ng trabaho sa walong daan at siyam napu’t siyam na manggagawa, (899), gayundin ang isang libo’t limang-daan na manggagawa ,at ( 1,500) at dalawang- libong ( 2000) sanay at di-sanay na mga manggagawa sa lawak na 38,437 metrong parisukat para sa opisina at para sa bodega ng mga pasilidad.
Sa mga sususunod na mga taon , ang pabrika ay completo at handa sa operasyon na panustos sa iba’t-ibang kompanya tulad ng paggawa ng mga kahoy, pagawaan ng tela, pagawaan ng mga tisa o bato, pag-iimprenta, pagawaaan ng de-lata, pagkabit ng tagak, pagawaan ng kemikal, mga alak, at iba;t-ibang kagamitang pang-elektrikal.
Ang Bromberg, Staudt & Co. ang naghahatid ng mga kagamitan o supply sa paghahanda ng produksiyon ng pinakamalaking pagawaan ng papel sa bansang Brazil ng kumpanyang “Klabin, Irmaos & Co.
Ang taunang inagurasyon ay umabot na sa tandang isandaang milyon RM.
1939: Ang Staudt Company mula sa Berlin ang namamahala sa minorya sa Bromberg&Co. para itaguyod o isulong ang pamimili sa pamilihan ng bansang Argentina
1948: Pinalitang ng Bromberg, Staudt & Co ang dating pangalan nitong Bromberg & Co. at si Wilhelm Suhrmann Dip. Eng. ang naatasang maging Tagapamahalang Direktor.
1958: Nagsimulang pumasok at siya ang natatanging may-ari ng kompanya na si Rolf Greiter.
1966: Carlota Bischof, ang huling miyembro ng pamilya sa Bromberg ay nagretiro sa kompanya.Si Rolf Greiter ang nahirang bilang Tagapamahalang Direktor.
1972: Napaunlad ang bagong pamilihan sa Asya at sa Hilagang Africa.
1998: Si Oliver Greiter ay umanib sa kompanya bilang katulong sa pangangasiwa ng lupon ng kompanya.
2001: Ang Bromber,Staudt &Co, ay tagapamahala ng “HGH Hanseatic Glass GmbH,” at tagapamahagi sa industriya ng hollow-glass sa pamilihan ng Latin -Amerika.
2002: Isang bahagi ng kompanya ang pamamahala sa negosyo ng Propfe und Co. GmbH at, kasama ng pamilihan sa Gitnang Amerika.
2008: Pinatayo ang sangay ng kompanyang Bromberg, Staudt & Co. ( USA), LLC.